Patuloy sa pagtakas sina Esmeralda at Waldo at nang inakala nilang malayo na ang kinaroroonan nila ay iginarahe nila ang kanilang itim na sasakyan sa isang liblib na lugar na napapalibutan ng mga puno. Nanatili ang dalawa sa lugar na iyon ng mga ilang sandali yakap-yakap ang isa’t isa at malabis na nag-aalala kung ano na ang mangyayari sa kanila sa susunod. Sa may di-kalayuan sa harapan nila ay nakita nila ang isang lalaking linoko nila at pinagnakawan ng miyon-milyon noon. Pinagtatawanan sila nito. Sinubukang buksan ni Waldo ang pintuan ng sasakyan subalit napagtanto nitong nakulong na sila sa loob ng sasakyan. Nakita nilang tumawag ito gamit ang cell phone at pagkatapos ay nagpatuloy sa pagtawa sa kanila.
             Si Robert na nagawang makalas ang ipinantali rito ay