lumabas ng kwarto kung saan ito ikinulong at sinubukang balikan ang kwarto kung saan naroroon si Althea na hindi nalalaman na ito ay kasama na ni Xander. At nang makita nito ang dalawang magkasama ay kaagad itong tumakas papalayo sa kanila.
Kaagad nakita ni Althea si Robert at ipinaalam kay Xander na ito ang mastermind at financier ng mga goons na kumidnap rito kanina.
Ibinaba naman agad ni Xander ang yakap-yakap niyang si Althea mula sa kanilang pagkakalutang. Tapos ay agad na ibinukas ng mabilis at malakas ni Xander ang kanyang mga palad. Lumabas ang manipis at kulay gintong lubid, hinabol ang papatakas na si Robert. Mabilis na nahabol ng manipis na lubid si Robert sa loob ng gusali.