Pinatamaan ni Xander ito ng manipis na lubid at linatigo ito. Napabagsak kaagad nito si Robert sa sahig. Mabilis namang lumipad si Xander papunta kay Robert at gamit ang lubid na nahanap niya ay iginapos niya ito sa isang pabilog na haligi sa loob ng gusali. Pagkatapos ay lumipad siya pabalik kay Althea.
            "Halika na Xander umalis na tayo rito at baka may iba pang dumating na mga tauhan ni Tita Esmeralda."
             "Ha, huwag kang mag-alala Althea tulog na silang lahat at ang iba kanina pa nagsitakbuhan palabas ng building," nakangiting sagot ni Xander habang hawak-hawak ang dalawang mga kamay ni Althea.  "Sinaktan ka ba nila mahal ha?" 
             "Hindi naman, sumakit lang nang bahagya itong mga