kamay ko, masyado kasing mahigpit ang pagkakatali sa akin ni Tito Waldo," pagtatapat ni Althea. 
              Kaya agad namang hinimas ni Xander ang mga kamay nito para upang mawala kunwari ang hapdi nito.  "O ayan tiyak mawawala na ang pananakit ng mga kamay mo niyan Althea," nakangiting biro ni Xander.  Ngumiti lang si Althea kay Xander.  Niyakap naman agad ni Xander si Althea at dahan-dahang inilipad papalabas ng building.
Nakangiting pinagmamasdan ni Althea ang mukha ni Xander habang patuloy na inililipad siya nito palabas ng building.  Ilang sandali lang ay nasa himpapawid na silang dalawa.  Masayang-masaya si Xander dahil natutunan nang tanggapin ni Althea ang kanyang totoong pagkatao.