talaga ako," sagot ni Eric sa asawa. "Alam mo Xandro matapos ang isang linggo ay binalikan agad kita sa may estasyon ng train, pero wala ka   na, nagtanong-tanong ako sa mga batang nagbebenta roon ng kung anu-ano sabi nila may napansin silang kahawig ng deskripyon ko sa 'yo pero bigla ka na lang raw nawala at hindi alam kung saan ka na napunta."
           "Kwan siguro ang mga 'yon, kasi habang hinihintay ko ang pagbabalik mo ginaya ko ang ibang mga bata roon nagbebenta rin ako ng dyaryo at candy para may pangkain ako.  Tapos isang araw pumasok ako sa loob ng train para magbenta nga ng dyaryo, tapos sa pagod ay parang inantok ako at paggising ko nasa Makati na ako. Naisip ko rin na baka andito ka na, kasi dito rin naman ang tungo natin noon.