nakatingin sa kanya.
              “Oo, magaling din akong magkwento,” sagot niya. “At hindi na ako makapaghintay na maglaro tayong tatlong magpipinsan. Saka napakasaya kong makakasama ko na palagi ang napaka-cute na mga pinsan ko.” Ang mga ngiting nasalamin ni Xandro sa mga mata ng dalawang bata ay nagpaganda sa pakiramdam niya.
            "Siyanga pala malapit ng mag ala-siete mas mabuti pa'y maghain na muna ako ng pagkain, bago kami umalis kanina ay nagluto muna ako para may makain si Eric sa pag-uwi galing trabaho," sabi ni Cristina habang tumatayo mula sa kinauupuan. "Paano maiwan ko muna kayong mag-tiyo Xandro at iinitin ko lang sandali ang pagkain."
           "Sigi Cristina bumalik ka agad rito't nagugutom na rin