napatawad mo na ako ha?" tanong ulit ni Rita kay Xandro.
            "Oho wala na ho talaga sa 'kin yon, saka masaya ako na may dalawa na pala akong pinsang ang popogi," sagot ni Xandro habang tinitingnan ang dalawang kambal na kanina pa nakikinig sa usapan nilang tatlo.
            "Aha, ikaw pala talaga ang pinsan naming si kuya Xandro, ang galing naman ngayon ay may iba pa akong makakalaro. Ang saya sigurong makipaglaro sa isang pinsang mas matangkad kaysa sa aming dalawa ng kakambal ko.”
             “Oo nga, mas matangkad ka kaysa sa aming dalawa. Malamang ay marami kang maikwe-kwento sa amin. Magaling ka rin bang mag-kwento tulad ni Dad ha, kuya Xandro?” tanong ni Ron-ron habang  nakatingala at