buong pamilya ko sa mga nangyari noon," pagsusumamo nito habang hinahawakan ang dalawang mga kamay ni Xandro.
           "Kalimutan na ho natin 'yon Tita Cristina,” sagot ni Xandro at sumulyap sa kanyang tito. “Saka, sa nakikita kong magkasama kayong dalawa ngayon, sa tingin ko pakakasalan ka rin naman ni Tito Eric ng kusa.”
            "Tama ka Xandro, dahil ang totoo  kaya lang naman tayo paalis noon papuntang Makati ay para makahanap ako ng mas maganda-gandang trabaho at hindi dahil sa gusto kong takasan si Cristina. Plano ko talagang balikan siya kaagad.
            "Alam ko naman iyan. Subalit hindi talaga ako pinaniwalaan ng mga magulang ko, kaya ginawa nila ang ginawa nila,” dagdag pa ni Cristina. "Basta iho, Xandro