Nagbakasakali ako na baka dito mo na rin ako hanapin, kaya dito na rin ako nanirahan," mahabang salaysay nito sa Tiyo Eric niya.
"Sandali ilalapag ko lang itong pagkain diyan sa may lamesa, at nang makakain na kayong dalawa," sabi ng kababalik lang na si Cristina.
"Nang nandito ka na sa Makati Xandro, hindi ka ba nahirapan, mahirap dito sa Makati kailangang magsipag kang talaga para mabuhay," dagdag pa ni Arthur.
"Nahirapan din sa umpisa pero nasanay na rin sa kinalaunan.
Noong una ay sinubukan ko ulit magbenta ng mga dyaryo, tapos nagbenta rin ako mga candies. Kinalaunan naglalako na rin ako ng