pretzel at Potato Chips at marami pang iba. Nang lumaki-laki na ako, nasubukan ko ring magkargador sa palengke, gasoline boy, hangang sa mag-waiter din ako sa isang Fast Food Chain. Dinaan ko lang talaga lahat sa sipag gaya nang pangaral mo sa akin noong maliit pa ako sa probinsya."
          "Patawarin mo ako’t napilitan kang mag-trabaho sa napakamurang edad. Alam kong mapanganib para sa mga bata ang magtrabaho ng napakaaga sa lansangan. Imbis na magtrabaho, dapat ang mga b ata ay nasa paaralan at nag-aaral. Sandali nakapag-aral ka naman ba anak, ha?" 
          "Opo, libri lang naman po ang tuition sa public school, pero hanggang high school lang po ang tinapos ko dahil hindi