ko rin kasi alam kung anong kurso ang pipiliin ko noon. Parang may pakiramdam akong may ibang itinadhana para sa akin, hindi ko lang talaga alam kung ano. “
“Pero pag nakapagpasya ka nang mag-college, sabihin mo lang sa akin at tutulungan kita, okey,” alok ni Eric.
“Opo tito, salamat po sa alok niyo, pero sa ngayon, ang gusto ko talaga ay mag-trabaho muna.” "Hayaan mo anak kung gusto mo nang bumalik sa pag-aaral ay ako na ang bahala sa 'yo."
"Salamat po tito, pero sa ngayon mas gusto ko po talagang magtrabaho na muna."
"Ang gusto ko sana ay dito ka na rin tumira sa amin tutal aapat lang naman kami, pwede kang tumuloy muna sa may attic maluwag din naman ito at pag nalinis na ang isang