kwarto sa second floor ay maari ka agad lumipat dito," alok ni Eric sa pamangkin.
          "Nakakatawa, pero na miss kong marinig ang boses mong sinasabihan ako na gawin ang isang bagay. Kayo po ang bahala tito saka gusto ko rin naman kayong makasama ng mas matagal at makilala na rin nang mas mabuti ang buong pamilya mo.  Matagal-tagal na rin kasi akong nag-iisa sa buhay, marami rin naman akong mga kaibigan pero iba pa rin po kayo tito, mas mahalaga kayo, kayo na kasi ang tumayong tatay ko magmula pa noong bata ako."
          "Mahalaga ka rin sa akin anak saka gusto ko pa ring alagaan ka kahit hindi ka na isang maliit na bata. O siya kumain na tayo."