"Mukhang masarap 'to ah, paborito ko talaga ang fried chicken saka pancit," sabi ni Xandro habang naglalagay ng soda sa kanyang baso.
"Paborito mo naman talaga ang mga 'yan mula nang maliit ka pa, saktong-sakto at iyan talaga ang naisipang iluto ni Cristina kanina."
"Mabuti naman at paborito mo pala 'to Xandro, bagong bili itong chicken kaya siguradong fresh na fresh," sabat ni Cristina. Papano maiwan na namin kayo ng mga bata Eric at mukhang marami talaga kayong pag-uusapan ni Xandro. Mga bata akyat na sa taas, maghilamos muna kayo at magsipilyo ng ngipin bago matulog okey," utos ni Cristina habang tumatayo papuntang hagdanan.
"Good night po papa, kuya," paalam ng kambal sa mag-