tito.
         "Good night din Rap-rap, Ron-ron," sagot ni Xandro sa mga bagong pinsan.
         Pagkaalis na pagkaalis ng tatlo at nang maramdaman ni Eric na nakapasok na ang mga ito sa kani-kanilang kwarto ay niyaya agad niya si Eric sa itaas sa may attic.  "Halika na sa pansamantalang kwarto mo Xandro at doon na rin natin ituloy ang naputol nating usapan kanina bago dumating si Cristina at mga bata."
        "Mauna na po kayong umakyat tito at susunod na lang po ako sa inyo agad."
        Umakyat agad ang dalawa papuntang second floor tapos ay umakyat muli sila patungong attic para mag-usap.