Subalit sa tindi ng panibagong lakas ni Xander tumilapon pabalik sa dalawang magkahiwalay na dambuhalang aliens ang dalawang napakalalaking orange na bola ng liwanag. Tinamaan ang mga ito ng sarili nilang bola ng liwanag. Napapalibutan si Xander ng tatlong magkahiwalay na dambuhalang aliens. Sinubukang muling magbuga ng malalaking bola ng liwanag ng tatlong dambuhala. Subalit hindi na hinintay ni Xander na mangyari pa ito. Nagbaga ang mga kamao ni Xander at nag-apoy nang bahagya. Bigla siyang lumipad ng mabilis papalapit sa isang alien. Agad niya itong sinuntok sa napakalawak nitong dibdib. Naging kulay orange ang dambuhalang alien. Lumipad muli si Xander nang mabilis patungo naman sa ikalawang alien sa himpapawid. Pagkalapit niya, mabilis niya itong sinuntok sa dibdib at gaya