ng nauna biglang naging kulay orange ang buong katawan nito. Lumipad muli si Xander ng mabilis patungo naman sa pangatlong dambuhalang alien, sinuntok niya agad ito nang pagkalakas-lakas sa dibdib at sa isang iglap lang naging kulay orange rin ang buong katawan nito. Mabilis na lumipad si Xander patungo sa gitna ng tatlong magkakahiwalaly na dambuhalang alien. Pinagmasdan niya ang tatlong dambuhalang alien habang patuloy na tumitingkad pa ang pagkukulay orange ng mga ito. Ang tatlong dambuhalang aliens ay naghalo at sumabog na isang higit pang mas malaking orange na bola ng liwanag. Binalot si Xander ng higit pang mas malaking bola ng orange na liwanag sa kalawakan.