ngang maglaho ang malawak na buhos ng orange na liwanag. Natira si Xander sa himpapawid na walang pinsala sa kanyang buong katawan ni walang paso o galos man lang. Ilang saglit lang ay nagbuga namang muli ang dalawang dambuhalang aliens ng dalawang malalaking bola ng orange na liwanag. Nakita ni Xander ang unti-unting paggulong at muling paglaki ng mga ito. Mabilis na kumilos at gumulong ang ngayo'y napakalaki nang dalawang bola ng liwanag para ipiting muli si Xander. Hinintay ni Xander na muling makalapit sa kanya ang dalawang napalalaking bola ng liwanag. Muli itong dumikit sa dalawa niyang mga palad. Ibinuhos ni Xander ang lahat ng kanyang panibagong lakas para hindi na siya muling mapaso at maipit sa pagitan nito. Pilit na iniipit ng dalawang bola ng liwanag si Xander.