siyang pumarada sa may gilid ng kalsada saka bumaba at nagmadali papunta sa kanyang nawawalang tito.
Pinagmasdang mabuti ng dalawa ang isa’t isa. “Ikaw talaga ito Xandro, naku ang laki-laki mo na,” bulalas nito at yinakap ang matagal ng nawawalang pamangkin. “Patawarin mo ako Xandro, hindi ko talaga sinasadyang maiwan kita sa may train station noon.”
"Alam ko naman po iyan, dati pa inisip ko na baka may masamang nangyari sa inyo kaya hindi na kayo nakabalik."
"Parang ganon nga ang nangyari halika muna at magmerienda sandali at nang maipaliwanag ko sa iyo ang lahat."
"Naku h'wag po muna ngayon kailangan ko pa kasing ibalik ang sasakyan unang araw ko po ito sa trabaho