nakakahiya naman.  Mabuti pay sumama ka na lang po sa akin at sa sasakyan na lang po tayo mag-usap."
           "Mas mabuti pa nga, baka mapagalitan ka pa ng dahil sa akin." 
            Sa sasakyan ay pinagmasdang mabuti ni Xandro ang mukha ng tito niya, tumanda na ito ng kunti at may mga puti na ring buhok sa gilid ng buhok nito.  
Masaya siya na nakita niya itong muli kahit hindi pa niya naririnig ang dahilan ng kanilang pagkakalayo.
            "Alam mo anak higit sa dahilan nang pagkakaiwan ko sa 'yo noon, may mahalaga tayong dapat pag-usapan tungkol sa tunay mong pagkatao," pahayag agad ng tito ni Xandro.
            "Ha ganon po ba, Tito Eric?" nagulat na tanong ni Xandro. "Tungkol sa tunay kung pagkatao, baket may hindi