ba ako alam sa pagkatao ko.  Di ba't ikinuwento mo na sa akin ng maliit pa ako na isang piloto ang tatay kong Amerikano at ang nanay ko naman ay isang magandang probinsiyana.  May hindi pa po ba kayo nasasabi sa akin ha?"
            "Mayroon nga anak, mayroon."
            "Sigi po, sabihin niyo na po sa akin ngayon, makikinig po ako."                      
              "Baka hindi mo kayanin to anak kaya mas mabuti pa ibalik mo na muna itong sasakyan sa pinagtratrabahuan mo at pagkatapos ay sumama ka sa akin pauwi sa bahay at nang makilala mo na rin ang mga anak ko at aking asawa."
              "Nagkapamilya na po pala kayo tito, ilan po ba anak niyo ha?"