ay pamilyar kay Xandro. Biglang lumiko ang lalaki at naghandang tumawid sa eskeneta ng kalsada. Nagulat siya sa nakita niya. Ang lalaki ay kamukhang-kamukha ng nawawala niyang Tito Eric. “Tito Eric, ikaw ba iyan, ha?” tanong niya nang malakas habang pinagmamasdan ito mula sa loob ng menamanehong Delivery Van.
Xandro ikaw ba iyan?” ang tanong pabalik ng nagulat na lalaki habang nakatingin ito sa kanya na nagmamaneho sa gitna ng kalsada.
“Opo, ako po ito tito!” malakas niyang sagot. Nagmadali