Sigi pasok mo na sa loob ng bahay mama ng makapanood na ako agad," sabi ng tuwang-tuwang bata kay Xandro.
          "Tabi ka ng kunti para maipasok ko na ‘to, sandali saan ko ba ‘to ilalagay ha?"
          "Dito lang sa lumang TV rack namin, sigi ilapag mo diyan," bilin ng bata.  "Marunong ka bang magkabit ng antenna, wala pa kasi ang mga kuya."
           "Oo naman sandali at ikakabit ko lang sa may likuran."
           "Ang ganda naman ng reception, ang linaw-linaw, hindi ba ma?" tanong nito sa kadarating pa lang na ina.
           "Oo nga ano mabuti at ito ang napiling bilhin ng papa niyo, ang linaw-linaw saka buhay na buhay ang mga kulay," pansin ng ina ng bata.
           "Ako rin natutuwa ako na ito ang binili ng papa ang ganda-ganda kasi ng sounds."