Nang makaalis na ang customer ay umakyat agad si Damien sa silver Delivery Van para magmaneho. Tuwang-tuwa siya na may trabaho na agad siya at may sapat pang sweldo. Bago siya makaalis ay napansin niyang tinitingnan siya ni Vivian at parang kinukurot si Lynette sa may tagiliran at parang tinutukso sa kung ano. Nahawa na rin si Xandro sa ngiti ni Veronica kahit hindi naman niya alam ang dahilan. Maingat siyang nagmaneho sa may kalsada, sinadya niyang sundin lahat ng mga traffic signs dahil ayaw niyang mapahiya kung saka-sakali sa bagong boss niya. Patuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa marating niya ang address ng customer.
Matapos ay nag-doorbell siya at agad na lumabas ang isang bata. "Ma andito na po bagong TV natin, labas na po kayo riyan.