okey," bilin ng saleslady kay Xandro.
          Matapos ituro kung alin ang kakargahing TV ay agad itong binuhat ni Xandro palabas ng tindahan, subalit bago siya makalabas ng pintuan ay sinulyapan niya ulit si Lynette, napansin siya nito at nginitian siya ng kunti.  Kaya lalong pinagbuti ni Xandro ang pagbuhat sa TV at agad na ikinarga sa van.  
          "Dahan-dahan ha at baka magasgas 'yan," bilin ng lalakeng customer kay Xandro.  "Ihatid mo na lang iyan sa address na ito okey."
          "Opo malapit lang pala ang sa inyo, alam na alam ko ang lugar na ito kaya huwag kayong mag-alala at maihahatid ko agad ito."