mga Saleslady.Wala pang bumibili poro tanong lang nang tanong ang mga pumapasok tungkol sa mga appliances kaya walang magawa si Damien kundi maupo nang maupo at hindi niya mapigilan ang sariling tingnan si Lynette habang nagko-computer at kapag tumitingin ito sa kanya ay umiiwas siya nang tingin at medyo nangigiti ng kunti na parang bata. Sa pakiramdam ni Damien ay magaan na magaan agad ang loob niya kay Lynette kahit hindi pa naman niya ito masyadong nakakausap.
Ilang sandali lang ay tinawag agad si Xandro ng Saleslady at may ipinagbilin. "Ikaw ang bagong driver dito hindi ba, pakikarga nga nitong
TV sa Delivery van kasi nabayaran na ito ng customer, kausapin mo na lang kung saang address mo siya ihahatid,