supervisor mo, matagal ko ng kaibigan 'yan at kababalik lang ng Pilipinas," pagtatapat ni Veronica.
"Ganon po ba, sana magkasundo kaming dalawa," sagot ni Xandro.
"Sigi maupo ka lang diyan at pag may dumating na cliente paupuin mo na lang o kahit ngitian mo na lang at ang mga ibang empleyado na ang mag-aasikaso kung ano man ang gusto nilang bilhin," bilin nito habang papalayo at papunta sa kinauupuan ni Lynette. Napansin ni Xandro na parang binibiro ni Veronica si Lynette pero hindi niya matantya kung ano ito basta mukha lang tuwang-tuwa si Veronica sa kung ano.
Maya-maya lang ay nag-umpisa nang pumasok ang mga mamimili at agad naman itong inasikaso ng kanilang