"Uy mukhang napagod ka yata, anak kumuha ka nga muna ng orange juice sa ref at ibigay mo sa binatang ito."
            "Naku salamat ho nauuhaw na po akong talaga."
            "O ito inom ka, masarap ‘to," alok ng tuwang-tuwang bata.
             "Masarap nga salamat ha."
             "Delivery man ka bang talaga ha?" tanong ng nanay ng bata.
              "Opo."
             "Talaga kasi sa hitsura mo at sa tindig mo, mukha kang artista sa sini, baka naman may hidden camera ka dyan ha?" biro nito.