salamin. Maayos na ang hitsura ko, ngumiti siya habang pinagmamasdan ang sariling reflection sa salamin. Handa na ako para sa interview ko mamaya. Umupo siya sa gilid ng kanyang kama at isinuot ang kanyang rubber shoes. Tumayo siya at panandaliang muling pinagmasdan ang sarili at napangiti siya sa kanyang sariling hitsura. Dinampot ni Xandro ang perfume at nag-spray sa buo niyang katawan, inamoy niya at nagustuhan niya ang bango ng perfume sa katawan niya. Guapong-guapo ka at mabango pa.
Dahan-dahan ay lumabas siya sa boarding house
at sumakay sa kanyang black motorcycle.
Kaagad siyang nagmaneho papunta sa appliance center.