matatanggal lahat ng mga germs sa buo niyang katawan. Nagtagal siya sa pagsha-shower at nang siya ay matapos ay kaagad siyang nagbanlaw. Pinatuyo niya ang sarili gamit ang isang puting tuwalyang binili niya sa isang malaking mall. Malamang magkatrabaho na ako nito, preskong-presko ang pakiramdam sa katawan, naisip niya sa sarili at kaagad na lumabas ng banyo upang makapagpalit ng damit. Alin kaya ang isusuot ko: kinakailangang maayos ang hitsura ko para kaagad kong makuha ang trabahong iyon. Isusuot ko ang jeans at white polo shirt. Matapos niya itong isuot ay tiningnan niya ang sarili niya sa