Nagmaneho siya nang nagmaneho . Sumulyap siya sa kanang side mirror at
tiningnan ang kanyang sariling reflection habang suot-suot ang kanyang black
protective head gear, napangiti siya. Pagkalipas ng ilang sandal ay nanrating
na niya ang lugar na binanggit ni Vivian. Binasa kaagad niya ang signage sa
itaas ng gusali.
“Greener
Pasture Appliance Center,” pagbasa ni Zandro habang nakatingala sa gusali. Sana
ay matanggap ako, para makapagtrabaho na kaaagad ako dito. Calmly, ay bumaba siya sa kanyang motorsiklo
at nagtungo sa malaking glass door at
binuksan ito ng dahan-dahan. Sa loob
ng tindahan, ay nakita niya si Vivian na
nakikipag-usap sa isang nakauniporming babae.