Napansin siya nito at agad siyang nginitian at senenyasang umupo muna. Naupo naman agad si Xandro at pinagmasdan niyang mabuti ang palibot ng tindahan, nakita niya ang napakaraming mga branded na appliances gaya ng TV, refrigerator, air con, DVD, washing machine, microwave oven at marami pang iba. Tapos sa isang sulok ay may nakita siyang isang babaeng nagko-computer. Pinagmasdan niya itong mabuti, napansin niyang hanggang balikat ang makintab na buhok nito, hindi niya masyadong makita ng hitsura nito dahil medyo nakatagilid ito ng kunti, pero sa tantya niya maganda ito.
"Pasensya ka na at pinaghintay kita, may iniuutos pa kasi ako sa isang empleyado ko, este makakasama mo rito sa tindahan ko," salubong agad ni Veronica sa nagligtas sa