sahig na mayor. Tuluyan na itong nabaliw at hinarap ang mga takot na takot na bata. "Huwag kayong maingay natutulog ang anak ko, pssst... tahimik baka magising ang anak ko..." bulong pa nito sa mga batang umiiyak.
Subalit lalo pang lumakas ang iyakan ng lahat ng mga bata sa loob ng malaking mansion. "Ano ba sabi nang tumahimik kayo at nagtutulog ang anak ko!" utos nito habang pinagpapalo ng kulay green na baseball bat ang ilang kagamitan sa loob ng living room ng malaking mansion malapit sa kanyang kinatatayuan.
Lalo pang lumakas ang iyakan ng mga bata. Biglang tumalikod ang hostage-taker at pinagpapalo naman ang malaking sofa at iba pang kagamitan sa bandang harapan ng living room sa loob ng malaking mansion.