hostage-taker.
"Ikaw!" sambit ng gulat na gulat na mayor.
"Ako nga!" at walang kaabog-abog na kaagad sinuntok sa mukha ang mayor ng galit na galit na hostage-taker, nabuwal ito at nawalan ng malay.
Nag-iyakan at nagsigawan agad ang mga batang nakakita sa pananakit at panununtok ng inaakala nilang kaibigan. Nag-iyakan sila nang nag-iyakan takot na takot ang mga ito.
Pinagmasdang mabuti ng hostage-taker ang wala pa ring malay na mayor. Lalo pang lumakas ang iyakan ng mga bata. Bigla namang tumawa nang tumawa ang hostage-taker habang patuloy na pinagmamasdan ang nakahandusay sa