Chapter 25
Habang maayos na nakaparada ang minamanehong Delivery van sa gilid ng kalsada ay narinig ni Xandro mula sa radyo ng kanyang minamanehong Delivery van ang tungkol sa nagaganap na pangho-hostage matapos niyang makapag-deliver ng isang malaking TV at refrigerator. Sumigaw agad si Xander mula sa loob ng sinasakyan niya ng, "Xander!" agad na naglaho ang kanyang balbas, humaba nang bahagya ang kanyang buhok. Mabilis siyang lumipad papalabas ng Delivery van at ilang sandali lang ay nasa mataas na bahagi na siya ng himpapawid at tanaw na tanaw niya na rito ang malaking grupo ng mga taong nakapalibot sa malaking kulay green na mansion. Napansin niyang nagkakagulo na ang mga tao, maging ang maraming mga pulis ay hindi na rin mapakali, hindi nila malaman kung ano ang kanilang gagawin matapos marinig ang malakas na pagsigaw at pag-iyak ng mga batang hostages sa loob ng malaking mansion. Nananatili pa ring sarado at nakatakip ng