mga malalaking puting kurtina ang mga bintana ng mansion. Lumapit pa ng bahagya si Xander sa malaking mansion. Nakita agad siya ng maraming mga usyosero at usyosera na nakapalibot sa lugar na iyon.
"Si Super Xander! Si Super Xander!" sigawan agad ng mga nagpapalakpakan at nabuhayang loob na mga usyosero at usyosera, maging ang mga pulis ay nagpalakpakan din sa pagdating ni Xander. Itinaas kaagad nila ang kani-kanilang cellphone ang mga 'to at pinagkukuhanan ng pictures at videos si Xander gamit ang kani-kanilang mga camera habang masusing pinagmamasdan ang malaking school service vehicle mula sa itaas..
Tahimik ang lahat ng naroroon habang inaabangan kung ano ang gagawin ng kakarating pa lang na si Xander