sabi ni Esmeralda. “Okay patahimikin niyo na ang babaeng ito habang-buhay. Gusto kong matapos na ito ngayong araw mismo; may dalawa pa akong taong susurpresahin! 
               Lumapit agad kay Lynette ang tinawag na goon ni Esmeralda.  "Sayang naman Madame, papatayin ba talaga natin 'to ang ganda-ganda pa naman?" nanghihinayang na tanong ng goon.
             "Baket naman, pagnawala 'yan yayaman na agad tayong lahat!  Okey, gawin niyo na ngayon at may dalawa pang taong aasikasuhin natin sa araw na ito!" ang mabilis na utos ni Esmeralda.  
            Biglang may narinig sina Esmeralda at Waldo kasama ng kanilang mga tauhan ng komosyon at malalakas na ingay mula sa iba pa nilang goon sa di-kalayuan. Nabulabog at