dapat mahalin dahil makasarili ka!" naiiyak na panunumbat ni Lynette kay Esmeralda.
            "Okey... makasarili na kung makasarili.  Ang importante'y mawala ka na rin sa aming landas nang mapasaakin na ang lahat ng kayamanan niyo pagkatapos kong patayin ang mga lolo at lola mo Lynette, nakabalik na sila ng Pilipinas, alam mo ba 'yon?" pagtatapat ng tumatawang si Esmeralda.
            "Maawa ka tita, matatanda na ang mga lolo at lola huwag na silang sasaktan.  Inalagaan ka rin naman ng lola nakita ko 'yon, maski para man lang sa kanya tita maawa ka..." humagolgol na pagmamakaawa ni Lynette kay Esmeralda.
            "Pakiusap tumahan ka na Lynette at baka maiyak pa ako sa 'yo, ano mang sandal," nagkukunwaring lumuluhang