kidnap ko ang iyong ama, salamat sa asawa kong si Waldo na palaging handang gawin ang kahit ano mang gusto ko. Ang swerte-swerte ko pa nga dahil nagkataong kasama ng papa mo ang mama mo sa araw na 'yon. Natapos ko ang lahat ng problema ko ng ganoon lang. Ang totoo matagal na matagal na akong naiinis sa mama mo noon. Ka bago-bago lang niya sa pamilya noon, pero minahal agad at trinatong parang prinsesa ng papa at mama. Samantalang ako para lang akong isang mabigat na palamunin para sa kanila. Kahit papano'y nalungkot din naman ako sa pagkamatay ng papa mo pero sa nanay mo buti nga sa kanya!" mahabang pagsisiwalat ni Esmeralda sa lahat ng mga nangyari noon.
"Kung ganon ikaw ang dahilan ng pagiging ulila ko, napakasama mo Tita! Wala kang kwentang tao, hindi ka