Chapter 31
"Baket mo nagawa sa amin ito Tita Esmeralda kapatid ka ng papa ko?" galit na tanong ni Lynette kay Esmeralda.
"Inaamin ko sa 'yo Lynette mabait talaga sa akin ang papa mo kahit ampon lang naman ako. Kaya lang nalaman niyang pinagnanakawan ko ang negosyo ng pamilya natin. Nagmakaawa at humingi ako ng tawad sa kanya. At siyempre pinatawad naman agad niya ako kaya lang pinakiusapan, inutusan niya akong magtapat kay papa at humingi ng tawad. Kilala ko ang pag-uugali ng lolo mo Lynette, sigurado akong hindi ako patatawarin noon. At nakakatitiyak akong itatakwil ako noon at itatapon sa kalye na parang pulubi. Hindi niya ako kailan man minahal, mula sa umpisa hindi na niya ako tinuring na totoong anak. Ayoko nang bumalik sa hirap Lynette, alam ko kung paano mamuhay ng walang makain at matirahan sa araw-araw. Kaya sa takot kong mapalayas ng ating bahay ay ipina-