"Ang ingay-ingay mo!" sabi ng natatawang si Esmeralda. "Pssst... halika nga rito pakisuntok mo nga sandali itong maingay na ito at sumasakit ang tenga ko sa mga atungal nito!"
Lumapit naman agad kay Robert ang tinawag na goon ni Esmeralda at agad nitong sinuntok si Robert. Nasapol sa mukha at bumagsak sa sahig.
“Itali niyo iyan sa kabilang kwarto,” utos ni Esmeralda at kaagad namang sumunod ang isa nitong tauhan at itinali si Robert gamit ang isang lubid.Tulog agad si Robert kahit hindi pa siya inaantok.
"Papano Lynette, di ikaw naman ang isusunod namin ngayon," pananakot ni Esmeralda habang linalapitan ang nakaupo at nakataling si Lynette.