huwag kang mag-alala Lynette ipagtatanggol kita kahit na anong mangyari," paniniguro ni Robert kay Lynette.
            "Ano naman kaya ang magagawa mo, sigi nga aber?" hamon ni Esmeralda.
            "Magdadaan muna kayo sa ibabaw ng aking bangkay, bago niyo masaktan si Lynette,"  pahayag ni Robert habang sumusulyap kay Lynette na parang nagpapa-impress sa babae.  "Sigi mga bata hulihin niyo ang babaeng ito ang kanyang asawang si Waldo, bilis!"
            Subalit wala ni isang sumunod sa kanya.  Sa halip ay naghalakhakan lang ang mga ito.  "Ano ba't hindi n'yo ako sinusunod ako ang nagbabayad sa inyo, kaya dapat ako ang sundin niyo, ano ba!" malakas na sigaw ni Robert.
           Subalit pinagtawanan lang uli siya ng mga ito.