ito ng napakagalante mong syota na si Robert," natatawang pagtatapat ni Esmeralda. "Kaya kung ako sa 'yo, umpisahan mo na ang pagdarasal dahil ito na ang kahuli-hulihang araw mo sa mundong ito. Maya-maya lang ay mamatay ka na."
           "Sandali lang anong papatayin niyo si Lynette Tita  Esmeralda? Wala naman sa usapan to ah?" nagimbal na tanong ni Robert.  "Ang usapan natin ihahanap niyo lang ako ng mga ki-kidnap kay Lynette para matuloy na ang kasal naming dalawa."
            "Oo sinabi ko nga 'yon at naniwala ka naman agad," natatawang sagot ni Esmeralda. "Mayaman ka nga at mataas ang posisyon mo sa negosyo ng inyong pamilya, kaya lang napakadali mong utuin."
            "Pwes hindi ko hahayaang saktan n'yo si Lynette,