baka sakaling makapag-isip-isip ka nang mabuti na ako ang nararapat para sa 'yo at hindi ang Xando mong 'yon."
"Tama mabuti pa pakainin mo na iyang si Lynette nang lahat ng paborito niyang pagkain dahil ito na ang kahuli-hulihan niyang matitikman ang mga ito," natatawang sabat ng kadarating na si Esmeralda. "Kumusta na maganda kong pamangkin, nagulat ka ba at nakita mo ako dito, ha?"
"Isa ka rin sa mga nagpakidnap sa akin, Tita Esmeralda?" 'di-makapaniwalang tanong ni Lynette.
"Oo isa nga ako sa mga nagpa-kidnap sa 'yo, saka 'wag ka mang mag-alala dahil hindi naman pera ng pamilya natin ang ginamit ko sa pagpapakidnap sa 'yo. Alam mo sagot lahat