ni Robert.
"Anong makipagbalikan sa 'yo, nagpapatawa ka ba? Kailan ba naging tayo ha? Hindi kita kailan man sinagot, hindi ka lang talaga marunong umintindi kapag tinatanggihan ka ng isang babae. Ayoko sa 'yo at kahit anong gawin mo hindi kita kailan man magugustuhan dahil napakasama mong tao. Ikaw ang pinakamasamang taong nakilala ko. Masyado ka lang sipsip sa mga lolo at lola kaya nakukuha mo silang mapasunod sa kagustuhan mong mapangasawa ako." galit na sagot ni Lynette.
"Kahit ano pang sabihin mo Lynette, wala ka nang magagawa dahil parating na rito ang mayorr na magkakasal sa ating dalawa. Kaya ang mabuti pa kumain ka na muna