pagsayad na pagsayad pa lang ng dulo ng manipis na lubid sa lupa ay agad nagulat si Xander. Biglang siyang nakarinig ng maraming mga boses, napakarami ng mga boses na naririnig niya, halos mabingi na siya sa dami nito. Hanggang sa unti-unting mangibabaw ang boses ni Lynette mula sa kung saan.
"Robert may kinalaman ka sa pagkakakidnap ko ha?" mabilis at galit na tanong ni Lynette sa papalapit na si Robert.
"Mabuti naman pala at nakikilala mo pa ako Lynette, akala ko'y tuluyan mo na akong nakalimutan dahil sa Xandrong iyon. Pinili mo pa talaga siyang pakasalan kaysa sa akin ha. Oo Lynette ako nga ang nagpa-kidnap sa 'yo at kasalanan mo 'yan pinakiusapan kita nang maayos na makipagbalikan sa akin, pero tinaggihan mo lang agad ako. Sa harapan pa talaga ng Xandong 'yon!" galit na pagtatapos