Lynette.                                                                     
             Hinanap nang hinanap ni Xander si Lynette habang lumilipad     Hindi niya ito makita maski ang hide-out ng mga kidnapper kaya nagpasya siyang lumipad papunta sa tirahan ni Lynette na nagbabakasaling makatulong ito sa paghahanap niya rito.  Mula sa himpapawid  pinagmasdan niyang mabuti ang buong kabahayan ni Lynette.  Ilang sandali lang ay may napansin siya Xander.  Lumipad pa siya ng mas malapit.  Nakita niya ang mamahaling bag ni Lynette na naiwan sa loob ng bakuran nito habang kinakaladkad siya papalabas ng mga kidnappers kanina.    Mula sa itaas, agad ibinuka ni Xander ng malakas at mabilis ang kanyang mga palad, lumabas ang ginintuang lubid at mabilis na nagtuloy-tuloy pababa para kunin ang naiwang bag ni Lynette.  At sa