lalake kunin si Lynette at nagmadaling humarurot palayo sa lugar. Habang sinusundan at binubuntutan ang mabilis na tumatakbong sasakyan, nagmadaling tawagan ni Veronica ang mga police gamit ang kanyang cell phone at pagkatapos ay kaagad tinawagan si Xandro. Natanggap ni Xandro ang tawag ni Veronica habang pabalik matapos makapag-deliver sa isang malayong customer. Sinabi ni Veronica na hindi siya makakabalik sa Veron Appliance Center dahil sa pag-kidnap kay Lynette. Narinig pa niya ang pagkadismaya nito ng mawala sa paningin nito ang sinusundang itim na sasakyan at ibinaba na ang cell phone nito. Nagmadali si Xander na gumarahe sa tabi ng kalsada. Kaya agad siyang sumigaw ng, "Xander!" Lumipad siya nang mabilis at agad na sinuyod ang buong Makati para mahanap lang ang kinaroroonan ni