“Siyempre hindi mo kami kilala dahil kung ganoon hindi nila kami uupahang kidnapin ka,” ang muling simpling sagot ng mama.
“Kidnap, kung pera lang ito, ako na mismo ang magbibigay sa inyo. Bitawan niyo lang ako!” sigaw nito sa mama na nag-umpisang hatakin ito palabas ng bahay. “Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!”
May isa pang lalaking pumasok at tumulong sa paghatak kay Lynette papalabas ng gate at papunta sa get-awa car ng mga ito.
Nakita ni Veronica ang buong pangyayari mula sa kanyang heavily tinted na sasakyan habang nagmamaneho ito palapit sa bahay ni Lynette. Bago pa man ito nakarating malapit sa gate ni Lynette ay nagtagumpay na ang dalawang