nagkagulo agad ang grupo nina Esmeralda sa kanilang mga narinig.  Nabuhayan naman ng loob si Lynette at tahimik na nagpasalamat sa Diyos.
           "Magmadali kayo, alamin niyo kung ano ang nangyayari sa labas, baka nalaman na ng mga pulis ang pinagkukutaan natin. Tumakbo kayo palabas at salubungin sila, bilis!” ang mabilis at pasigaw na utos ni Waldo sa mga tauhan nila ni Esmeralda. 


          Agad namang sumunod at nagsitakbuhan papunta sa pinanggalingan ng komosyon at malalakas na ingay. Naiwan sina Esmeralda, Waldo at Lynette kasama ng mga sampo pang natitirang goons.  "Anong gagawin natin ngayon Waldo?" nag-aalang tanong ni Esmeralda sa asawa.