rin ng paborito niyang ice cream dahil affordable ito at palaging masarap kaya parati niya itong binibili dati. Pagkarating niya sa Appliance Center, nakita niyang may kinakausap na isang matangkad na lalaki si Lynette at mukhang nagtatalo ang dalawa. Kaya mabilis na pumasok si Xandro sa loob at agad na ibinaba sa bakanteng sofa ang mga pinamili niya. Nakita niyang hinablot nang marahas ng matangkad na lalaki ang kamay ni Lynette, kaya mabilis siyang lumapit dito at agad na pinilipit ang kanang braso nito sa kanyang sariling likuran at pinigilan naman ang isa pang kamay nito sa tagiliran. Kumalma naman agad ang lalaki dahil sa naramdaman niyang lakas ni Xandro. Kaya binitiwan na ito ni Xandro.